labis na nakagugulat ang mabilis na pagtakbo ng panahon. kailan ba yung huling piggy back ride mo sa daddy mo? at kurot na galing sa nanay mo? kailan ba yung huling araw na sinabihan mong "di na tayo bati" ang kaibigan mo? kailan ba yung huling pagkupit mo sa alkansiya ng kapatid mo na mas mayaman sayo? kailan ba yung huling bitbit-bitbit mo papuntang school yung lunchbox mong power rangers or barbie na ayaw mong ipahawak kahit kanino? at kailan ba yung huling araw na katabi mo pa sa pagtulog ang mga magulang mo na umaapoy na sa galit o di kaya'y dilat na sa sobrang inis patulugin ka lang sa maghapon para tumangkad ka?
hindi ko lubos akalain na kahit papaano, yung mga munting kalokohan na nagawa natin sa bahay, sa school, sa kapitbahay o kung saan man ay nakaka-miss pala tlga. aminado ako na masyado akong naging handa sa pagtanda. yung tipong grade school palang iniisip ko na kung anong maging course ko sa college, nung high school palang iniisip ko na anong gusto kong maging trabaho o di kaya'y anong i-mamasters ko o i-pphd. yung para bang lahat ng bagay plinano ko na. puno ang organizer ko ng kung anong mga gagawin. yung diary ko nga pati hairstyle ko from mondays-fridays sa school nakalista at naka-drawing pa! ngayon naisip ko, tama ba yung pinaggagagawa ko? masyado ba akong nagmamadali?ang daming panahon na na sayang sa pagiging atat kong tumanda at kumita ng pera. sana hindi ako masyadong nag-abala sa pag-aayos ng buhay ko. sana hinayaan ko nalang ang hangin na tangayin ang aking mga paa at dalhin ako sa kung saan man ako destined mapunta. sana hindi ako nagmadali. sana natuto akong maghintay.
ewan ko ba, pero sa tuwing naaalala ko yung mga panahon na sikat pa yung spice girls at backstreet boys, laging kong naiisip na sana nabuhay ako bilang isang bata. sana man lang na-savor ko yung moment na bata pa ako. [oo inaamin ko na po na ako'y matanda na, hindi na pwedeng itago yun, ganun na tlga]. sana linaro ko yung mga rinegalong barbie at ken ng medyo matagal-tagal bago ko sila linublob sa kung saan man. nakakapang hinayang ang lahat ng aking nasayang. ngayon na handa na akong maging bata, saka naman naging huli na ang lahat. nung tinigil ko na ang pagplaplano sa mga bagay-bagay, saka naman siyang naging isang malaking requirement sa buhay ko. ngayong pagod na akong maging matanda ay saka namang narealize ko na hindi na ako pwedeng maging bata. disi-otso lang ako, ang hirap! [LOL] anyway, yun lamang yung naiisip ko sa ngayon.
salamat sa pagbabasa. =D
No comments:
Post a Comment