Friday, June 4, 2010

Friday, March 19, 2010

alay sa mga nag-aaral away from home

nakakamiss ang buhay sa grade school at high school. Bakit? unang-una, dahil bata at mukhang bata ka pa noon.hahaha joke! pero eto na talaga. talagang narerealize ko na ang saya pala noon. masaya ka sa laman ng lunch box mo na pinaghirapan ng mga magulang mo para saiyo. well actually, para sakin ha? the fact na may lunch box na ready made sa may lamesa, ang saya ko na promise! eto pa, pag gising mo sa umaga, may breakfast na. sa gabi naman, may dinner na na nakahain. pang laundry ng damit mo hindi mo iniisip kung magkano! yung room mo walang bayad! tapos ano pa ba?? yung parents mo pwede mong katukin kung may hindi ka naintindihan sa mga homework mo! basically, hindi mo na kailangan mag isip ng bongga!hindi mo na kailangan mag calculate ng mga expenses. hindi mo na kailangang magluto o bumili ng pagkain sa labas! pati nga schedule ng classes mo, nakaayos na e! ang pag-aaral na lang ang aatupagin mo and the rest, arranged na para sayo.

eh ngayong college??? tila'y may nakahawak na ng unicorn!!!!!!! bumaliktad ang buhay! ang daming iisipin! magkano ang bayad sa dorm, ang laundry, ang internet, saan ang pila ng tuition, anong breakfast ang kakainin at saan bibilhin, anong i-eenlist na subjects, sino ang piliin na prof, saan matatagpuan yung results ng exams, saan idadaownload ang lecture notes at marami pang iba! sumabay lahat ng responsibilidad na akala ko'y after college ko pa haharapin! kanina nga inisip ko, what if hindi ako umalis sa amin at doon na lang nag college? siguro ngayon, relax relax nalang ako dahil pag-aaral ko lang ang iniisip ko. siguro nasa gimikan ako kasama yung mga kaibigan ko [or kahit ako lang mag-isa okay lang naman]. pero ano pa nga ba ang magagawa? andito na ako e. dito ako pina-aral. pasalamat nga ako pumasa ako sa tinuturing number 1 school sa Pilipinas. there's certainly no turning back. Si Achi grumaduate na at si Ched naman ay gragraduate na. nakakahiya naman kung both sila products ng institusyong pinapasukan ko ngayon tapos ako hindi diba? hay nako. SUS MARYOSEP ika nga. nako naman, pag college ang hirap maging organized lalo na kung nanghihina ka na. Mismong organizer ko nga e hindi organized! what the heck talaga! pero kaya ko to. 3 more years and i'm outta here! hahaha i mean, 3 + 5 + 2 more years. yayks!

MANIFESTO NG TUNAY NA LALAKE

1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.

2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.

3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.

4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.

5. Ang tunay na lalake ay walang abs.

6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.

7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.

8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.

9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.

10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.

ano? lalake ka ba?

http://tunaynalalake.blogspot.com/

Friday, January 29, 2010

mga bagay na pumapasok sa isipan ko ngayon.

labis na nakagugulat ang mabilis na pagtakbo ng panahon. kailan ba yung huling piggy back ride mo sa daddy mo? at kurot na galing sa nanay mo? kailan ba yung huling araw na sinabihan mong "di na tayo bati" ang kaibigan mo? kailan ba yung huling pagkupit mo sa alkansiya ng kapatid mo na mas mayaman sayo? kailan ba yung huling bitbit-bitbit mo papuntang school yung lunchbox mong power rangers or barbie na ayaw mong ipahawak kahit kanino? at kailan ba yung huling araw na katabi mo pa sa pagtulog ang mga magulang mo na umaapoy na sa galit o di kaya'y dilat na sa sobrang inis patulugin ka lang sa maghapon para tumangkad ka?

hindi ko lubos akalain na kahit papaano, yung mga munting kalokohan na nagawa natin sa bahay, sa school, sa kapitbahay o kung saan man ay nakaka-miss pala tlga. aminado ako na masyado akong naging handa sa pagtanda. yung tipong grade school palang iniisip ko na kung anong maging course ko sa college, nung high school palang iniisip ko na anong gusto kong maging trabaho o di kaya'y anong i-mamasters ko o i-pphd. yung para bang lahat ng bagay plinano ko na. puno ang organizer ko ng kung anong mga gagawin. yung diary ko nga pati hairstyle ko from mondays-fridays sa school nakalista at naka-drawing pa! ngayon naisip ko, tama ba yung pinaggagagawa ko? masyado ba akong nagmamadali?ang daming panahon na na sayang sa pagiging atat kong tumanda at kumita ng pera. sana hindi ako masyadong nag-abala sa pag-aayos ng buhay ko. sana hinayaan ko nalang ang hangin na tangayin ang aking mga paa at dalhin ako sa kung saan man ako destined mapunta. sana hindi ako nagmadali. sana natuto akong maghintay.

ewan ko ba, pero sa tuwing naaalala ko yung mga panahon na sikat pa yung spice girls at backstreet boys, laging kong naiisip na sana nabuhay ako bilang isang bata. sana man lang na-savor ko yung moment na bata pa ako. [oo inaamin ko na po na ako'y matanda na, hindi na pwedeng itago yun, ganun na tlga]. sana linaro ko yung mga rinegalong barbie at ken ng medyo matagal-tagal bago ko sila linublob sa kung saan man. nakakapang hinayang ang lahat ng aking nasayang. ngayon na handa na akong maging bata, saka naman naging huli na ang lahat. nung tinigil ko na ang pagplaplano sa mga bagay-bagay, saka naman siyang naging isang malaking requirement sa buhay ko. ngayong pagod na akong maging matanda ay saka namang narealize ko na hindi na ako pwedeng maging bata. disi-otso lang ako, ang hirap! [LOL] anyway, yun lamang yung naiisip ko sa ngayon.

salamat sa pagbabasa. =D